Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Oktubre
“Sa mahirap na panahong ito, maraming problema ang mga pamilya. Sa palagay mo, saan kaya tayo makasusumpong ng maaasahang patnubay na tutulong sa atin na magkaroon ng maligayang buhay pampamilya?” Hayaang sumagot. Pagkatapos ay iabot sa may-bahay ang isang kopya ng Oktubre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng isa sa mga subtitulo sa pahina 16 at 17 at kahit isang siniping teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik upang talakayin ang isa sa iba pang tanong.
Ang Bantayan Oktubre 1
Ipakita ang pabalat ng magasin, at magtanong, “Ano kaya ang madarama mo kung malaman mong mali ang itinuro sa iyo tungkol sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Tingnan kung ano ang sinabi ni Jesus sa kung paano makikilala ang katotohanan mula sa kasinungalingan. [Basahin ang Juan 17:17.] Kaya ang Bibliya lamang ang nagsasabi sa atin ng katotohanan tungkol sa Diyos. Tinatalakay ng magasing ito ang limang karaniwang kasinungalingan tungkol sa Diyos na ibinubunyag ng Bibliya.”
Gumising! Oktubre
“Dumadalaw kami ngayon sa mga pamilya bilang paglilingkod sa publiko. Ano sa palagay mo ang pinakamalaking problema ng mga magulang ngayon tungkol sa pagpapalaki ng mga anak? [Hayaang sumagot.] Maraming magulang ang humahanap ng payo sa Bibliya. Halimbawa, malaking tulong ang matalinong payong ito sa pagdidisiplina sa mga anak. [Basahin ang Efeso 4:31.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano makatutulong sa mga magulang ang payo ng Bibliya sa bawat yugto ng paglaki ng bata, mula sa pagkasanggol hanggang sa pagiging tin-edyer.”