Mga Pagbabago sa Pulong sa Gitnang Sanlinggo
Simula sa linggo ng Setyembre 3, ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya na 25 minuto ay magiging 30 minuto na. Sa pambungad ng konduktor, rerepasuhin niya ang nakaraang aralin sa loob ng isang minuto. Ang 35-minutong Pulong sa Paglilingkod ay gagawin ding 30 minuto. Wala nang hiwalay na bahagi para sa mga patalastas. Sa halip, babanggitin ang anumang patalastas sa simula ng unang nakaiskedyul na bahagi. Karaniwan na, iilan lang, kung mayroon man, ang kailangang ipatalastas, at hindi na kailangang banggitin kung ano ang susunod na mga bahagi. Wala nang mga patalastas tungkol sa paglilingkod sa larangan, iskedyul ng paglilinis, at mga pagbati. (km 10/08 p. 1, par. 4) Kapag may mahabang patalastas, makabubuti kung alam na ito ng mga may bahagi sa pulong para mapaikli nila ang kanilang mga bahagi.