Ang Ating Opisyal na Web Site—Gamitin Ito Para Tulungan ang Isa na Nagsasalita ng Ibang Wika
Ipakita ang Ating Web Site: Ipakita kung paano niya magagamit ang listahan sa “Wika ng Site” para makita ang Web site sa kaniyang wika. (Sa ilang wika, limitado lamang ang feature ng site.)
Ipakita ang Isang Web Page sa Kaniyang Wika: Buksan ang isang Web page ng isa sa ating mga publikasyon, gaya ng aklat na Itinuturo ng Bibliya o tract na Malaman ang Katotohanan. Piliin ang wika ng may-bahay sa listahang nasa “Basahin sa Wikang.”
Iparinig ang Isang Artikulo: Humanap ng isang artikulong may audio track sa kaniyang wika, at iparinig ito sa kaniya. Kung nag-aaral ka ng ibang wika, pasulungin ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng pakikinig sa audio track sa wikang iyon habang nagbabasa ka.—Puntahan ang “Publikasyon/Aklat at Brosyur” o “Publikasyon/Magasin.”
Magpatotoo sa mga Bingi: Kapag may natagpuan kang bingi, ipakita ang sign-language video ng isang kabanata sa Bibliya o ng isang aklat, brosyur, o tract.—Puntahan ang “Publikasyon/Sign Language.”
[Dayagram sa pahina 6]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Subukan Ito
1 I-click ang ▸ para ma-play ang pinili mong audio track (kung mayroon nito sa wika mo) o ang isa sa mga “Opsiyon sa Pagda-download” para ma-download ang publikasyon.
2 Pumili ng wika sa listahang nasa “Read In” o “Basahin sa Wikang” para lumitaw ang pahina sa wikang iyon.
3 I-click ang “Susunod” o ang isang link sa “Mga Nilalaman” para mabasa ang ibang artikulo o kabanata.