Ang Ating Opisyal na Web Site—Gamitin Ito sa Ministeryo
Himukin ang mga Tao na Bisitahin ang Ating Web Site: Ang ilan na atubiling makipag-usap sa atin o tumanggap ng literatura ay baka gustong magsuri tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagtingin sa jw.org sa kanila mismong bahay. Kaya banggitin sa kanila ang ating Web site sa bawat angkop na pagkakataon.
Sagutin ang mga Tanong: Kung minsan, nagtatanong ang may-bahay, interesadong tao, o kakilala tungkol sa Mga Saksi ni Jehova o sa ating mga paniniwala. Ipakita agad sa kaniya ang sagot gamit ang mobile device o computer. Karaniwan nang makabubuting basahin ang binanggit na teksto mula sa Bibliya. Kung wala kang mobile device na may access sa Internet, ipaliwanag sa kaniya kung paano gagamitin ang jw.org para malaman ang sagot.—Puntahan ang “Turo ng Bibliya/Sagot sa mga Tanong sa Bibliya” o “Tungkol sa Amin/Karaniwang mga Tanong.”
Magpadala ng Artikulo o Publikasyon sa Kakilala Mo: Mag-attach ng nai-download na PDF o EPUB sa e-mail. O mag-download ng audio version ng isang publikasyon at i-save sa CD. Sa tuwing magbibigay ka sa isang di-bautisado ng kumpletong electronic file ng aklat, brosyur, o magasin, maaari mo itong iulat bilang placement. Huwag kalimutang magpakilala kapag ipinadadala ito sa iba, at huwag itong ipadala sa maraming tao nang sabay-sabay. Hindi rin ito dapat ilagay sa iba pang Web site.—Puntahan ang “Publikasyon.”
Ipakita ang Pinakabagong Balita Tungkol sa Mga Saksi ni Jehova: Tutulong ito sa mga estudyante sa Bibliya at iba pang dinadalaw mo na magkaroon ng pagpapahalaga sa ating pambuong-daigdig na gawain at Kristiyanong pagkakaisa. (Awit 133:1)—Puntahan ang “News.”
[Dayagram sa pahina 5]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Subukan Ito
1 Sa ilalim ng “Publikasyon,” hanapin ang publikasyong gusto mong i-download, at i-click ang text o audio format na gusto mo.
2 I-click ang “MP3” para lumabas ang listahan ng mga artikulo. I-click ang pamagat ng artikulo para ma-download ito o ang para mapakinggan ito online.
3 Pumili ng ibang wika sa listahang ito kung gusto mong mag-download ng publikasyon sa wikang iyon.