Puwede Mo ba Silang Anyayahan?
Sa maraming kongregasyon, may mga mamamahayag na limitado ang pakikibahagi sa ministeryo dahil sa katandaan o malubhang problema sa kalusugan. (2 Cor. 4:16) Puwede mo bang anyayahan ang mga kapatid na iyon na samahan ka sa iyong inaaralan sa Bibliya? Kung hindi na nakaaalis ng bahay ang kapatid, baka puwede mong idaos ang pag-aaral ng Bibliya sa bahay niya. Puwede mo rin bang isaayos paminsan-minsan na isama sa bahay-bahay o pagdalaw-muli, kahit saglit lang, ang isang kapatid na may mahinang kalusugan? Maraming may-edad na mamamahayag ang makaranasan sa ministeryo. Kaya hindi lang sila ang mapatitibay, makikinabang ka rin sa pakikisama mo sa kanila. (Roma 1:12) Bukod diyan, ang pagsisikap mo na magpakita ng pag-ibig sa ganitong paraan ay gagantimpalaan ni Jehova.—Kaw. 19:17; 1 Juan 3:17, 18.