Tulungan Silang Maging ‘Matatag sa Pananampalataya’
Nakatutuwang masaksihan ang pagpapala ni Jehova sa gawaing pagtitipon. Taun-taon, mahigit 250,000 ang nababautismuhan. (Deut. 28:2) Kapag nabautismuhan na ang estudyante, may tendensiyang ihinto ng mamamahayag ang pakikipag-aral sa kaniya at magpokus sa pagtulong sa iba. Baka magpahinto na rin ang estudyante para mas marami siyang panahon sa ministeryo. Pero mahalagang magkaroon ng matibay na pundasyon sa katotohanan ang mga estudyante sa Bibliya. Kailangang “nakaugat” sila kay Kristo at ‘matatag sa pananampalataya.’ (Col. 2:6, 7; 2 Tim. 3:12) Kaya kahit bautisado na, dapat pa ring magpatuloy sa pag-aaral ang estudyante hanggang sa matapos niya ang mga aklat na Itinuturo ng Bibliya at Pag-ibig ng Diyos.—Tingnan ang pahina 2 ng Abril 2011 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.