Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Maging Maaasahang Partner
Kung Bakit Mahalaga: Alam ni Jesus na sa pangangaral, mahalaga ang may kasama. Kaya nang utusan niya ang 70 sa kaniyang mga alagad para mangaral, isinugo niya sila nang dala-dalawa. (Luc. 10:1) Makakatulong ang isang partner sa kasama niyang mamamahayag kapag bumangon ang isang mahirap na sitwasyon o kung nahihirapan itong sagutin ang tanong ng may-bahay. (Ecles. 4:9, 10) Puwede siyang magkuwento ng kaniyang karanasan at kung minsan ay magbigay ng mungkahi sa kasama niya para matulungan itong maging mas mabisa sa pangangaral. (Kaw. 27:17) Makapagbibigay din siya ng pampasigla sa pamamagitan ng nakapagpapatibay na pag-uusap habang papunta sila sa kasunod na bahay.—Fil. 4:8.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Pagkatapos maglingkod sa larangan, sabihin sa partner mo kung ano ang sinabi o ginawa niya na nakatulong sa iyo.