Sampol na Presentasyon
Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?
Ibigay sa may-bahay ang tract para makita niya ang pamagat at sabihin: “Magandang araw. Mayroon kaming mahalagang impormasyon na ibinabahagi sa mga tao sa buong daigdig. Heto ang kopya mo.”
Kung mag-iiwan ka ng tract sa mga bahay na walang tao, ilagay ito sa lugar na hindi makikita ng mga dumaraan at huwag itupi kung di-kailangan.
Kapag ang may-bahay ay nagpakita ng interes o gustong makipag-usap, puwede mong tanungin kung ano ang sagot niya sa tanong na may mapagpipiliang mga sagot sa harap ng tract. Buksan ang tract at ipakita ang sinasabi ng Juan 17:17. Sabihin na ang tract ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang Web site na makakatulong para malaman niya ang sagot sa mahahalagang tanong sa buhay gamit ang Bibliya. Bilang sampol, puwede mong i-play ang video na “Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?” Bago umalis, ipakita ang tatlong tanong sa likod ng tract at tanungin siya kung alin ang pinakagusto niyang masagot. Sabihing puwede kang bumalik para ipakita kung paano malalaman ang sagot ng Bibliya sa tanong na iyon gamit ang jw.org/tl. Sa pagdalaw-muli, talakayin ang sagot sa TURO NG BIBLIYA > SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA.
Ang Bantayan Agosto 1
Sa mga dulo ng sanlinggo, itampok ang Bantayan kung angkop. Maaari mong sabihin: “Gusto rin naming magkaroon ka ng pinakabago naming mga magasin. Sinasagot ng isyung ito ng Ang Bantayan ang tanong na, Mahalaga ka ba sa Diyos?”
Gumising! Agosto
Sa mga dulo ng sanlinggo, itampok ang Gumising! kung angkop. Maaari mong sabihin: “Gusto rin naming magkaroon ka ng pinakabago naming mga magasin. Sinasagot ng isyung ito ng Gumising! ang tanong na, Paano tayo makikipagpayapaan?”