Sampol na Presentasyon
Ang Bantayan Abril 1
“Ibinibigay namin ang tract na ito sa mga tagarito. [Iabot sa may-bahay ang tract na Ano ang Bibliya Para sa Iyo? at ibangon ang mga tanong sa harap. Ipakita sa kaniya ang sagot ng Bibliya sa 2 Timoteo 3:16, at sabihin sa kaniya na basahin ang tract kapag nagkapanahon siya.] Hindi alam ng marami na sinasagot ng Bibliya ang mga tanong na tulad nito. [Ipakita ang mga tanong sa pasimula ng unang artikulo ng Bantayan.] Ipaliliwanag sa magasing ito kung paano mo makikita ang mga sagot sa sarili mong Bibliya.”
Gumising! Abril
“Dumadalaw kami sandali rito kasi marami sa ngayon ang nag-aalala sa nakikita nilang pagbabago sa mga pamilya. Dati, mga magulang ang nasusunod, pero sa ilang pamilya ngayon, parang mga anak na ang nasusunod. Sa tingin mo, kulang na ba ang pagdidisiplina ng mga magulang sa mga anak nila? [Hayaang sumagot.] Sinasabi sa Bibliya na mahalaga ang disiplina. [Basahin ang Kawikaan 1:8.] Mababasa sa magasing ito kung paano dapat disiplinahin ang mga anak ayon sa Bibliya.”