Sampol na Presentasyon
Ang Bantayan Pebrero 1
“Binibigyan namin ng tract na ito ang mga tagarito. Ipinapaliwanag dito ang kahalagahan ng Bibliya sa ating buhay. Heto ang kopya mo. [Iabot sa may-bahay ang tract na Ano ang Bibliya Para sa Iyo?] Iniisip ng ilan kung may payo ang Bibliya na makakatulong sa kanila sa trabaho. Pansinin ang sinasabi ng tekstong ito tungkol sa trabaho. [Basahin ang Eclesiastes 3:13.] Sa magasing ito, may ilang simulain sa Bibliya na makakatulong sa atin na masiyahan sa ating trabaho. Gusto mo bang mabasa ito?”
Gumising! Pebrero
“Dumadalaw kami sandali sa inyong lugar para ipakita ang bagong isyu ng Gumising! Sinasagot nito ang isang magandang tanong. [Ipakita ang pabalat ng magasin.] Gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol sa halimbawang ito. [Basahin ang Kawikaan 29:11.] Sa tingin mo, praktikal pa ba sa ngayon ang simulaing ito ng Bibliya? [Hayaang sumagot.] May apat na simulain sa Bibliya na mababasa sa magasing ito pati na ang magagandang resulta kung susundin natin ang mga ito.”