Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Lakas-Loob na Makipag-usap Tungkol sa Kaharian
Kung Bakit Mahalaga: Para masunod ang utos sa 2 Timoteo 1:7, 8, mahalaga na lakas-loob tayong makipag-usap tungkol sa Kaharian. Paano tayo magkakaroon ng lakas ng loob na ihayag ang Kaharian?
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Pumili ng tao na gusto mong patotohanan. Manalangin kay Jehova para sa lakas ng loob at pagkakataon na makausap siya.