Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/14 p. 2-3
  • Sandaang Taon na Paghahayag ng Kaharian!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sandaang Taon na Paghahayag ng Kaharian!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • 1914-2014 Isang Daang Taon ng Kaharian!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • 100 Taon ng Kaharian​—Paano Nakaaapekto sa Iyo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Pag-aanunsiyo—Ang Mabisang Sandata ng Kristiyanismo
    Gumising!—1988
  • Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 8/14 p. 2-3

Sandaang Taon na Paghahayag ng Kaharian!

1. Sa anong gawain napasigla ang bayan ni Jehova halos isang siglo na ang nakalilipas?

1 “Masdan, namamahala na ang Hari! Kayo ang kaniyang mga kinatawang tagapagbalita. Kung gayon, ianunsiyo, ianunsiyo, ianunsiyo, ang Hari at ang kaniyang kaharian.” Halos isang siglo na ang nakalilipas, pinasigla ng mga salitang iyon ni Brother Rutherford ang bayan ni Jehova para ipalaganap ang mensahe ng Kaharian. At iyon nga ang nagawa natin! Gaya ng unang mga Kristiyano, ipinangaral natin ang mabuting balita ng Kaharian “sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.” (Col. 1:23) Ano na ba ang nagawa natin sa nakalipas na siglo para ihayag ang Kaharian ng Diyos? Paano natin ito patuloy na ihahayag habang nalalapit ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kaharian?

2. Paano itinataguyod ng ating mga literatura ang Kaharian ng Diyos?

2 Mga Nagawa Natin: Ilang dekada nang itinataguyod ng ating mga literatura ang Kaharian ng Diyos. Mula noong 1939, ang pamagat ng pangunahing magasin natin ay Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova. Madalas na tinatalakay ng magasing ito ang Kaharian at kung ano ang isasakatuparan nito. Itinatampok din ng magasing Gumising! ang Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng mga tao. Hindi nga nakapagtataka na ang dalawang magasing ito ang may pinakamaraming salin at may pinakamalawak na sirkulasyon sa buong mundo sa ngayon!​—Apoc. 14:6.

3. Ano ang ilan sa mga paraan na ginamit natin para ihayag ang Kaharian?

3 Ang bayan ni Jehova ay gumamit ng iba’t ibang paraan para ihayag ang Kaharian. Noong una, gumagamit tayo ng mga sound car at ponograpo at nagbobrodkast din tayo sa radyo. Nakatulong ang mga paraang ito para maipalaganap ang mabuting balita sa maraming tao noong kaunti pa lang ang mga tagapaghayag ng Kaharian. (Awit 19:4) Nitong nakaraang mga taon, ginagamit natin ang jw.org para ihayag ang Kaharian sa milyon-milyong tao​—kasama na ang mga nakatira sa mga lugar na ipinagbabawal ang ating gawain.

4. Anong espesyal na mga kaayusan ang ginawa natin?

4 Gumawa rin ang bayan ni Jehova ng espesyal na mga kaayusan para ipalaganap ang mensahe ng Kaharian. Halimbawa, mula noong kalagitnaan ng dekada ’90, sinisikap nating palawakin ang ating ministeryo bukod sa gawaing pagbabahay-bahay. Nangangaral tayo sa mga parke, paradahan, at mga lugar ng negosyo. Kamakailan, sinimulan natin ang isang pantanging kaayusan sa pampublikong pagpapatotoo sa malalaking lunsod sa buong mundo. Marami ring kongregasyon ang nakikibahagi sa pampublikong pagpapatotoo sa kanilang teritoryo. Naglalagay sila sa mga mataong lugar ng mga cart at mesa na may mga literatura. Pero siyempre, pagbabahay-bahay pa rin ang ating pangunahing paraan para ipangaral ang Kaharian.​—Gawa 20:20.

5. Anong mga oportunidad ngayong bagong taon ng paglilingkod ang bukás para sa atin?

5 Mga Gagawin Natin: Sa pasimula ng bagong taon ng paglilingkod sa Setyembre, marami ang magre-regular pioneer. Puwede ka rin ba? Kung hindi, puwede ka bang mag-auxiliary pioneer sa pana-panahon? Makakapagpayunir ka man o hindi, siguradong pagpapalain ka ni Jehova sa anumang sakripisyo mo para lubusang makabahagi sa paghahayag ng Kaharian.​—Mal. 3:10.

6. Bakit espesyal ang buwan ng Oktubre 2014?

6 Ang buwan ng Oktubre 2014 ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kaharian. Kaya naman, ang pampublikong edisyon ng Ang Bantayan sa buwang iyon ay nakapokus sa Kaharian ng Diyos. Bakit hindi sikaping ipamahagi ang isyung ito sa pinakamaraming tao hangga’t posible? Patuloy sana nating ‘ipahayag ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos’ sa lahat ng makikinig.​—Gawa 8:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share