Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/14 p. 4
  • Sampol na Presentasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sampol na Presentasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Sampol na mga Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kung Paano Haharapin ang Burnout
    Gumising!—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 8/14 p. 4

Sampol na Presentasyon

Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Setyembre

“Marami ang naniniwala sa mga anghel. Ikaw rin ba? [Hayaang sumagot.] Espiritu ang mga anghel kaya napakamakapangyarihan nila, pero sa tingin mo, matutulungan ba nila tayo? Sinasabi ng Bibliya kung paano nila tinutulungan ang mga tao sa ngayon.” Ipakita ang likod ng Setyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.

Ang Bantayan Setyembre 1

“Sa tingin mo, maaayos pa kaya ang mga sinira ng tao sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Bagaman hindi na ito kayang ayusin ng tao, sinasabi naman ng Bibliya na kaya ito ng Diyos at gusto niya itong gawin. Tinitiyak iyan sa atin ng Awit 65:9. [Basahin.] Tinatalakay sa isyung ito ng Ang Bantayan kung paano pangangalagaan ng Diyos ang daigdig at kung paano natin matatamasa ang mga pagpapalang ito sa hinaharap. Gusto mo bang iwan ko ito sa iyo para mabasa mo?”

Gumising! Setyembre

“Marami ang nagpapakasubsob sa trabaho dahil sobrang dami ng ipinapagawa ng employer nila. Ayon sa mga eksperto, maaari itong mauwi sa burnout, na makakasamâ sa pisikal at emosyonal na kalusugan natin. Ano kaya ang makakatulong sa isa para manatiling balanse? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang sinasabi ng tekstong ito sa Bibliya. [Basahin ang Eclesiastes 4:6.] Ipinaliliwanag sa magasing ito ang apat na praktikal na paraan kung paano natin aayusin ang ating mga priyoridad para hindi tayo masagad sa trabaho.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share