Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Nobyembre
“Pakisuyong pansinin ang tanong na ito. [Basahin ang unang tanong sa likod ng Nobyembre 1 ng Bantayan.] Ano sa palagay mo? [Basahin ang dalawang parapo sa ilalim ng tanong na iyon at kahit isa sa mga binanggit na teksto.] Puwede ba akong bumalik para mapag-usapan natin kung bakit gumawa si Jesus ng mga pagbuhay-muli at kung ano ang kahulugan nito para sa atin?”
Ang Bantayan Nobyembre 1
“Naisip mo na ba kung bakit napakaraming masasamang bagay na nangyayari sa mundo? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ito ng Bibliya sa Apocalipsis 12:9. [Basahin.] Pero ayon sa talata 12, may dahilan para magkaroon tayo ng pag-asa. [Basahin ang Apocalipsis 12:12.] Malapit nang mawala ang masamang impluwensiya ni Satanas. Ipinaliliwanag ng artikulong ito, ‘Dapat ba Tayong Matakot kay Satanas?,’ kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili mula sa impluwensiya niya ngayon at kung ano ang mangyayari sa kaniya sa hinaharap. Heto ang kopya mo.”
Gumising! Nobyembre
“Lahat ay gustong maging maligaya, pero maraming tao sa ngayon ang di-maligaya. Sa tingin mo, paano kaya tayo magiging tunay na maligaya? [Hayaang sumagot.] Napatunayan kong nakatutulong ang Bibliya para magkaroon ng maligayang buhay. Halimbawa, pansinin ang simulaing ito sa Bibliya. [Basahin ang Hebreo 13:5.] Ipinakikita ng magasing ito ang apat na sekreto ng tunay na kaligayahan ayon sa Bibliya.”