Masigasig na Nag-uudyukan sa Maiinam na Gawa
Hinihimok tayo ng Hebreo 10:24 na “isaalang-alang . . . ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa.” Mauudyukan natin ang ating mga kapatid sa pamamagitan ng ating halimbawa at mga kapahayagan ng pananampalataya. Ikuwento sa iyong mga kakongregasyon ang magaganda mong karanasan. Hayaan mong makita nila ang iyong kagalakan sa paglilingkod kay Jehova. Pero iwasan mong ikumpara sila sa iyo o sa iba. (Gal. 6:4) Sikaping gamitin ang iyong kalakasan para maudyukan ang iba sa “pag-ibig at sa maiinam na gawa,” hindi sa pangongonsensiya at sa maiinam na gawa. (Tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, p.158, par. 4.) Kung mag-uudyukan tayo sa pag-ibig, susundan ito ng mga gawang gaya ng paggawa ng mabuti sa iba sa materyal na paraan o sa pangangaral.—2 Cor. 1:24.