Sampol na Presentasyon
Para sa Kampanya ng Pamamahagi ng Imbitasyon sa Memoryal
“Namamahagi kami ng imbitasyon para sa isang napakahalagang okasyon. Sa Abril 3, milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon-tipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo at makapakinig ng isang libreng pahayag tungkol sa pakinabang natin dito. Nasa imbitasyon ang oras at lugar ng pagtitipon na pinakamalapit sa inyo.”
Ang Bantayan Marso 1
“Ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesu-Kristo ay papatak sa Abril 3. Ang ilan sa ating komunidad ay magtitipon-tipon sa petsang ito para alalahanin ang okasyong iyon. Pero para sa iba, hindi nila iniisip na mahalaga ang kamatayan ni Jesus. Ano’ng masasabi mo? Sa tingin mo ba, nakikinabang tayo sa kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol dito. [Basahin ang 1 Corinto 15:22, 26.] Tinatalakay sa magasing ito ang magiging pakinabang ng haing pantubos ni Jesus—na darating ang araw, wala nang sinumang mamamatay sa lupa.”
Gumising! Marso
“Dumadalaw kami rito sa lugar n’yo para ipakita ang bagong isyung ito ng Gumising! [Ipakita ang pabalat.] Bawat isa ay may kani-kaniyang pananaw tungkol sa unang tanong na ito: ‘May Diyos Ba?’ Sa palagay mo, sino ang may mas positibong pananaw sa kinabukasan—ang mga naniniwalang may Diyos o ang mga hindi naniniwala? [Hayaang sumagot.] Narito ang isang pangako ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa sa maraming tao. [Basahin ang Awit 37:10, 11.] Tinatalakay sa magasing ito ang apat na dahilan para suriin kung talagang may Diyos.”