Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Marso
“Dumadalaw kami para sa isang okasyon sa Abril 14, ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus. Inaalaala ng ilan ang okasyon dahil mahalaga para sa kanila ang kaniyang kamatayan. Hindi naman alam ng iba kung bakit mahalaga ang kamatayan ni Jesus. Sa tingin mo, nakikinabang ba tayo sa kamatayan ni Jesus?” Hayaang sumagot. Ipakita ang artikulong “Sagot sa mga Tanong sa Bibliya” sa Marso 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Marso 1
“Marami ang nagtataka kung bakit hindi winawakasan ng Diyos ang kawalang-katarungan at pagdurusa sa mundo. Sa tingin mo, dahil kaya sa walang pakialam ang Diyos o iniisip niyang dapat lang na magdusa ang mga tao? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Juan 3:16.] Bagaman marami ang sumisipi ng tekstong ito para ipakitang may malasakit ang Diyos, hindi naman nila alam kung paano sila nakikinabang sa kamatayan ng anak ng Diyos. Ipinaliliwanag sa magasing ito kung paano posibleng magwakas ang kawalang-katarungan at pagdurusa dahil sa kamatayan ni Jesus.”
Gumising! Marso
“Dumadalaw kami para sana ipaliwanag ang maling pagkaunawa ng marami sa tekstong ito sa Bibliya. [Basahin ang Genesis 1:1.] Naniniwala ang ilan na nilalang ang uniberso, ang iba naman ay hindi. Ikaw? [Hayaang sumagot.] Marami ang hindi naniniwala sa paglalang dahil sa turo ng mga lider ng relihiyon na wala naman sa Bibliya. Mababasa sa magasing ito ang lohikal at mapananaligang paliwanag ng Bibliya tungkol sa pasimula ng uniberso.”