Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Marso
“Maraming tao ang nagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus, pero sa palagay mo, mahalaga bang alalahanin ang kamatayan niya?” Hayaang sumagot. Pagkatapos ay iabot sa may-bahay ang Marso 1 ng Bantayan, at magkasamang talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isa lang sa mga teksto. Sabihing babalik ka upang pag-usapan ninyo ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Marso 1
“Maraming relihiyon at denominasyon ang may iba’t ibang paniniwala at kaugalian. Sa palagay mo, ang lahat ba ng nagsasabing Kristiyano sila ay talagang Kristiyano? [Hayaang sumagot.] Ayon kay Jesus, ito ang isa sa mga palatandaan ng mga tunay na Kristiyano. [Basahin ang Juan 13:34, 35.] Tinatalakay ng magasing ito ang limang binanggit ni Jesus na tutulong sa atin na makilala ang kaniyang mga tunay na tagasunod.”
Gumising! Marso
“Ipinakikipag-usap namin ang tungkol sa isang nakababahalang ugali ng mga tao sa ngayon. Parami nang parami sa ngayon ang magagalitin. Ano kaya sa palagay mo ang dahilan? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa galit. [Basahin ang Awit 37:8.] Binabanggit ng magasing ito ang ilang dahilan kung bakit marami ang magagalitin at kung paano natin makokontrol ang galit.”