Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Sanayin ang mga Baguhan
Kung Bakit Mahalaga: Ang mga bagong alagad ni Jesus ay dapat sumunod sa “lahat ng mga bagay” na iniutos niya, kasama na ang pagtuturo ng katotohanan sa iba. (Mat. 28:19, 20) Maraming baguhan ang kuwalipikado na sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at maaaring nagpapatotoo na nang di-pormal sa kaniyang mga kapamilya o kaibigan. Pero habang napahahalagahan nila ang kanilang natututuhan at nauunawaang gusto ni Jehova na marinig ng lahat ang mabuting balita, baka gusto na nilang makibahagi sa ministeryo sa larangan. (Roma 10:13, 14) Matapos maaprobahan ang mga baguhan bilang di-bautisadong mamamahayag, matutulungan sila ng mabuting pagsasanay na magkaroon ng higit pang kumpiyansa habang isinasagawa ang mahalagang hakbang na ito sa kanilang espirituwal na pagsulong.—Luc. 6:40.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Magbahay-bahay kasama ng sinasanay mo, at isama siya sa pagdalaw-muli o pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Kung wala kang sinasanay, mag-anyaya ng isang di-makaranasang mamamahayag.