KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 11-18
Sino ang Magiging Panauhin sa Tolda ni Jehova?
Para maging panauhin sa tolda ni Jehova, ang isa ay dapat na maging kaibigan ng Diyos, isa na nagtitiwala at sumusunod sa kaniya. Ipinakikita ng Awit 15 kung ano ang hinahanap ni Jehova sa isang kaibigan.
ANG PANAUHIN NI JEHOVA AY DAPAT NA . . .
matapat
nagsasalita ng katotohanan, maging sa kaniyang puso
nagpapakita ng dangal sa kapuwa niya mga lingkod ni Jehova
tumutupad sa kaniyang pangako, kahit mahirap itong gawin
tumutulong sa nangangailangan nang walang inaasahang kapalit
ANG MGA PANAUHIN NI JEHOVA AY UMIIWAS SA . . .
tsismis at paninirang-puri
paggawa ng masama sa kapuwa
pagsasamantala sa mga kapananampalataya
pakikisama sa mga hindi naglilingkod o hindi sumusunod kay Jehova
suhol