PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghimok sa mga Interesado na Dumalo sa mga Pulong
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Sa mga pulong, may mga pagkakataon tayo para ‘umawit kay Jehova’ at ‘pumuri sa kaniya.’ (Aw 149:1) Natuturuan tayo rito na gawin ang kalooban ng Diyos. (Aw 143:10) Kadalasan na, mas mabilis sumulong ang mga interesado at mga estudyante sa Bibliya kapag nagsimula na silang dumalo sa mga pulong.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Mag-imbita agad. Hindi mo kailangang hintayin na maitatag ang pag-aaral sa Bibliya bago gawin ito.—Apo 22:17
Ipaliwanag sa interesado ang aasahan niya at ang tatalakayin sa susunod na pulong. Ito ang ilang pantulong para rito: ang imbitasyon sa pulong ng kongregasyon, ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?, at ang aralin 5 at 7 ng brosyur na Kalooban ni Jehova
Mag-alok ng tulong. Kailangan ba niya ng masasakyan o angkop na maisusuot para sa pulong? Tabihan siya at i-share ang iyong mga publikasyon. Ipakilala siya sa iba