Nag-iimbita sa mga tao na dumalo sa pulong sa Cook Islands
Sampol na Presentasyon
ANG BANTAYAN
Tanong: Totoo ba ang mga anghel?
Teksto: Aw 103:20
Alok: Ipinakikita sa isyung ito ng Bantayan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga anghel at kung paano nila naiimpluwensiyahan ang buhay natin.
ITURO ANG KATOTOHANAN
Tanong: Sa tingin mo, magkasalungat ba ang siyensiya at ang Bibliya?
Teksto: Isa 40:22
Katotohanan: Tumpak ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa siyensiya.
IMBITASYON SA PULONG NG KONGREGASYON (inv)
Alok: Gusto kitang imbitahan sa isang pahayag sa Bibliya. Wala itong bayad, at gaganapin ito sa Kingdom Hall, ang lugar ng pagsamba namin. [Ialok ang imbitasyon, ipakita ang lokasyon at oras ng pulong sa dulong sanlinggo, at banggitin ang paksa ng pahayag pangmadla.]
Tanong: Nakapunta ka na ba sa Kingdom Hall? [Kung angkop, ipapanood ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?]
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.