Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 3 p. 8-9
  • Matuto Tungkol sa Diyos Mula sa Kaniyang mga Propeta

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matuto Tungkol sa Diyos Mula sa Kaniyang mga Propeta
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ABRAHAM
  • MOISES
  • JESUS
  • HINDI SI JESUS ANG DIYOS
  • Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Papaano Isang Propeta na Gaya ni Moises si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagkilala sa Lalong Dakilang Moises
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 3 p. 8-9
Nakatingala si Abraham sa mga bituin habang nakataas ang mga kamay.

Matuto Tungkol sa Diyos Mula sa Kaniyang mga Propeta

Noon, ibinigay ng Diyos sa mga propeta niya ang kaniyang mensahe para sa mga tao. Ipinapakita ng mga ito kung ano ang dapat nating gawin para matanggap ang pagpapala ng Diyos. Tingnan natin ang matututuhan natin mula sa tatlong tapat na propeta.

ABRAHAM

Hindi nagtatangi ang Diyos at gusto niyang pagpalain ang lahat ng tao.

Ipinangako ng Diyos sa propetang si Abraham: “Pagpapalain ang lahat ng pamilya sa lupa sa pamamagitan mo.”​—Genesis 12:3.

Aral: Mahal na mahal tayo ng Diyos at gusto niyang pagpalain ang lahat ng pamilya—mga lalaki, babae, at bata—na sumusunod sa kaniya.

MOISES

Maawain ang Diyos at pinagpapala niya ang mga nagsisikap na makilala siya.

Binigyan ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang propetang si Moises ng kapangyarihan na gumawa ng himala. Pero nanalangin pa rin si Moises: “Ipaalám mo sa akin ang iyong mga daan para makilala kita at patuloy kang malugod sa akin.” (Exodo 33:13) Ikinatuwa ng Diyos ang hiling ni Moises, kaya tinulungan niya ito na higit pang malaman at maunawaan ang kaniyang mga daan at katangian. Halimbawa, natutuhan ni Moises na ang Maylalang ay “isang Diyos na maawain at mapagmalasakit.”​—Exodo 34:6, 7.

Aral: Gusto ng Diyos na pagpalain tayong lahat—mga lalaki, babae, at bata—na nagsisikap na kilalanin pa siya. Gamit ang Banal na Kasulatan, itinuturo niya kung paano siya dapat sambahin at ipinapaalám niya na gustong-gusto niya tayong pagpalain.

JESUS

Si Jesus na pinapagaling ang isang lalaking ketongin.

Dahil sa awa, pinagaling ni Jesus ang lahat ng klase ng sakit

Matatanggap natin ang walang-hanggang pagpapala ng Diyos kung pag-aaralan natin ang mga ginawa at itinuro ni Jesus.

Marami tayong matututuhan mula sa Salita ng Diyos tungkol sa buhay at mga turo ni Jesus. Binigyan ng Diyos si Jesus ng kapangyarihan para gumawa ng maraming himala, gaya ng pagpapagaling ng bulag, bingi, at pilay. Bumuhay pa nga siya ng mga patay. Sa paggawa nito, ipinakita ni Jesus ang mga pagpapala na ibibigay ng Diyos sa lahat ng tao sa hinaharap. Ipinaliwanag niya kung paano natin matatanggap ang mga pagpapalang iyon: “Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka, ang tanging tunay na Diyos, at ang isinugo mo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Si Jesus ay maawain, mapagmalasakit, at mabait. Lumapit sa kaniya ang mga lalaki, babae, bata, at matanda dahil inimbitahan niya sila: “Matuto kayo sa akin, dahil ako ay mahinahon at mapagpakumbaba, at magiginhawahan kayo.” (Mateo 11:29) Di-gaya ng iba noong panahon niya na walang paggalang sa mga babae, pinakitunguhan ni Jesus ang mga babae nang may kabaitan, dignidad, at paggalang.

Aral: Nagpakita ng pag-ibig si Jesus sa mga tao, at nag-iwan siya ng magandang halimbawa kung paano natin dapat pakitunguhan ang iba.

HINDI SI JESUS ANG DIYOS

Sinasabi ng Banal na Kasulatan na “alam natin na iisa lang ang Diyos” at na si Jesu-Kristo ay mensahero ng Diyos. (1 Corinto 8:6) Sinabi ni Jesus na mas mataas ang Diyos sa kaniya at na ipinadala siya ng Diyos sa lupa.​—Juan 11:41, 42; 14:28.a

a Para sa higit pang impormasyon tungkol kay Jesu-Kristo, tingnan ang seksiyon 8 at 9 ng brosyur na Tunay na Pananampalataya—Ang Susi Mo sa Maligayang Buhay sa www.jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share