Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 3 p. 14-15
  • Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Himala ni Jesus—Ano ang Iyong Matututuhan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Himala at Aparisyon—Kung Bakit Hindi Kailangan
    Gumising!—1989
  • Matuto sa mga Himala ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Mahal Niya ang mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 3 p. 14-15
Masayang magkakasama sa paraisong lupa ang mga taong iba’t iba ang pinagmulan.

“Ang lupa ay magbibigay ng ani nito; pagpapalain tayo ng Diyos, ng ating Diyos.”​—AWIT 67:6

Masiyahan sa Pagpapala ng Ating Maylalang Magpakailanman

Ipinangako ng Diyos sa propetang si Abraham na isa sa kaniyang inapo ang magiging dahilan ng pagpapala sa “lahat ng bansa sa lupa.” (Genesis 22:18) Sino ang inapong ito?

Halos 2,000 taon na ang nakakaraan, binigyan ng Diyos si Jesus, isang inapo ni Abraham, ng kapangyarihang gumawa ng himala. Ipinapakita ng mga himalang iyon na ang pangako kay Abraham ay matutupad sa pamamagitan ni Jesus.​—Galacia 3:14.

Pinatunayan ng mga himalang ginawa ni Jesus na siya ang pinili ng Diyos para pagpalain ang mga tao. Ipinakita rin nito kung paano siya gagamitin ng Diyos para pagpalain ang mga tao magpakailanman. Anong magagandang katangian ni Jesus ang makikita sa mga himala niya?

Mapagmalasakit​—Pinagaling ni Jesus ang mga maysakit.

Nagmakaawa ang isang ketongin na pagalingin siya ni Jesus. Hinawakan siya ni Jesus at sinabi: “Gusto ko!” Agad siyang gumaling.​—Marcos 1:40-42.

Bukas-palad​—Pinakain ni Jesus ang mga nagugutom.

Ayaw ni Jesus na magutom ang mga tao. Mahigit isang beses na pinakain ni Jesus ang libo-libong tao gamit lang ang ilang tinapay at maliliit na isda. (Mateo 14:17-21; 15:32-38) Pagkatapos nilang kumain, nabusog ang lahat at marami pang sumobra.

Maawain​—Bumuhay si Jesus ng mga patay.

Isang biyuda ang namatayan ng kaisa-isa niyang anak. Naawa si Jesus sa babaeng ito dahil wala nang mag-aalaga rito, kaya binuhay ni Jesus ang anak nito.​—Lucas 7:12-15.

WALANG-HANGGANG PAGPAPALA SA LUPA

Naipakita na ni Jesus na may kapangyarihan ang Diyos na pagpalain ang mga tao. Sa hinaharap, kapag bumalik si Jesus gaya ng ipinangako niya, gagamitin siya ng Makapangyarihan-sa-Lahat para gumawa ng himala sa buong mundo!

Ano ang magiging buhay sa lupa kapag tinupad na ng Diyos ang pangako niya kay Abraham? Ang mga may pag-ibig at paggalang sa Diyos ang “magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.” (Awit 37:11) “Mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—Apocalipsis 21:4.

Napakasayang mabuhay magpakailanman sa isang payapang lupa! Inaanyayahan ka naming matuto pa tungkol sa mga pagpapala ng pamamahala ng Diyos sa hinaharap. Makikita mo ang higit pang impormasyon sa www.jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share