Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 3 p. 10
  • Patuloy na Manalangin Para sa Pagpapala ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy na Manalangin Para sa Pagpapala ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MANALANGIN MULA SA PUSO
  • GAMITIN ANG PERSONAL NA PANGALAN NG DIYOS
  • MANALANGIN SA SARILI MONG WIKA
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 3 p. 10
A Middle Eastern man praying.

Gusto tayong pakinggan ng Diyos, ang “Dumirinig ng panalangin.”​—AWIT 65:2

Patuloy na Manalangin Para sa Pagpapala ng Diyos

Binigyan ng Diyos ang mga tao ng napakagandang regalo—ang kakayahang makipag-usap sa kaniya at sabihin ang nararamdaman nila sa panalangin. Ipinanalangin ni David: “O Dumirinig ng panalangin, lalapit sa iyo ang lahat ng uri ng tao.” (Awit 65:2) Pero paano tayo dapat manalangin para pakinggan at pagpalain ng Diyos?

MANALANGIN MULA SA PUSO

Kapag nananalangin sa Diyos, puwede mong ibuhos sa kaniya ang laman ng puso mo—ang totoong nararamdaman mo. (Awit 62:8) Mahal ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang mga nananalangin mula sa puso.

GAMITIN ANG PERSONAL NA PANGALAN NG DIYOS

Maraming titulo ang Diyos, pero isa lang ang personal na pangalan niya. “Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” (Isaias 42:8) Lumilitaw ang pangalang Jehova nang mga 7,000 ulit sa Banal na Kasulatan. Ginamit ng maraming propeta ang personal na pangalan ng Diyos kapag nananalangin sila. Sinabi ni Abraham: “Jehova, pakiusap, . . . hayaan mo akong patuloy na magsalita.” (Genesis 18:30) Kaya dapat din nating gamitin ang pangalan ng Diyos na Jehova kapag nananalangin.

MANALANGIN SA SARILI MONG WIKA

Naiintindihan ng Diyos ang ating iniisip at nararamdaman anuman ang wika natin. Tinitiyak ng kaniyang Salita: “Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—Gawa 10:34, 35.

Pero para pagpalain ng Diyos, may kailangan pa tayong gawin bukod sa pananalangin. Sa susunod na mga artikulo, aalamin natin kung ano pa ang dapat nating gawin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share