PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Malugod Silang Tanggapin
Sino? Ang sinumang dumadalo sa ating mga pulong—baguhan man o matagal na nating kaibigan. (Ro 15:7; Heb 13:2) Puwedeng mga kapatid natin sila mula sa ibang bansa o di-aktibong mga kapatid na matagal nang hindi dumadalo. Isipin mong ikaw ang nasa kalagayan nila. Tiyak na pahahalagahan mo kung may babati sa iyo. (Mat 7:12) Kaya bakit hindi mo sikaping lapitan at batiin ang mga dumalo bago at pagkatapos ng pulong? Nakatutulong ito para madama ang pag-ibig sa kongregasyon at nagdudulot ito ng papuri kay Jehova. (Mat 5:16) Siyempre pa, hindi naman natin makakausap ang lahat ng dumalo. Pero madarama ng lahat na tinatanggap sila sa pulong kung magsisikap ang bawat isa sa atin.a
Hindi lang tayo mapagpatuloy tuwing may espesyal na mga okasyon gaya ng Memoryal kundi sa lahat ng panahon. Kapag nakita at nadama ng mga baguhan ang ganitong Kristiyanong pag-ibig, baka maudyukan silang purihin ang Diyos at makisama sa atin sa dalisay na pagsamba.—Ju 13:35.