Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Marso p. 7
  • “Patuloy Kayong Magbantay”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Patuloy Kayong Magbantay”
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Patuloy Ka Bang Magbabantay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Aral sa Pagiging Mapagbantay—Ang mga Dalaga
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ang Pantas at ang Mangmang na mga Dalaga
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Nakikinig Ka Ba sa Babala?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Marso p. 7
Sampung dalaga sa talinghaga ni Jesus

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 25

“Patuloy Kayong Magbantay”

25:1-12

Ang talinghaga ni Jesus tungkol sa 10 dalaga ay para sa mga pinahirang tagasunod niya, pero ang mensahe nito ay para sa lahat ng Kristiyano. (w15 3/15 12-16) “Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” (Mat 25:13) Maipaliliwanag mo ba ang talinghaga ni Jesus?

  • Kasintahang Lalaki (tal. 1)—Si Jesus

  • Maiingat at handang mga dalaga (tal. 2)—Mga pinahirang Kristiyano na handang gawin nang tapat ang kanilang atas. Sumisikat sila bilang tagapagbigay-liwanag hanggang sa wakas (Fil 2:15)

  • Ang sigaw: “Narito na ang kasintahang lalaki!” (tal. 6)—Ebidensiya ng pagkanaririto ni Jesus

  • Mangmang na mga dalaga (tal. 8)—Mga pinahirang Kristiyano na lumabas para salubungin ang Kasintahang Lalaki pero hindi nanatiling mapagbantay at tapat

  • Ang maiingat na dalagang tumangging magbigay ng langis (tal. 9)—Pagkatapos ng pangwakas na pagtatatak, huli na para tulungan ng tapat na mga pinahiran ang sinumang naging di-tapat

  • “Ang kasintahang lalaki ay dumating” (tal. 10)—Darating si Jesus sa bandang dulo ng malaking kapighatian para maglapat ng hatol

  • Ang maiingat na dalaga ay pumasok sa piging ng kasalan kasama ng kasintahang lalaki, at isinara ang pinto (tal. 10)—Titipunin ni Jesus sa langit ang kaniyang tapat na mga pinahiran, pero maiwawala ng mga di-tapat ang kanilang makalangit na gantimpala

Hindi itinuturo sa talinghaga na marami sa mga pinahiran ang magiging di-tapat at kailangang palitan. Sa halip, nagsisilbi itong babala na ang bawat pinahirang Kristiyano ay makapipili kung magiging handa at mapagbantay siya o magiging mangmang at di-tapat. Nagbigay ng payo si Jesus: ‘Maging handa kayo.’ (Mat 24:44) Anuman ang ating pag-asa, hinihiling ni Jesus sa ating lahat na maging handa at mapagbantay.

Paano ako magiging mapagbantay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share