PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pag-ibig ang Pagkakakilanlan ng mga Tunay na Kristiyano—Ingatan ang Pagkakaisa
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Noong gabi bago siya mamatay, nanalangin si Jesus na lubusang magkaisa ang kaniyang mga alagad. (Ju 17:23) Para manatiling nagkakaisa, dapat tayong magpakita ng pag-ibig na ‘hindi nagbibilang ng pinsala.’—1Co 13:5.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Tularan si Jehova at hanapin ang magagandang katangian ng iba
Lubusang magpatawad
Kapag naayos na ang problema, huwag na itong ungkatin.—Kaw 17:9
PANOORIN ANG VIDEO NA “IBIGIN NINYO ANG ISA’T ISA”—HUWAG MAGBILANG NG PINSALA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Sa unang bahagi ng video, paano ipinakita ni Helen na siya ay “nagbibilang ng pinsala”?
Sa ikalawang bahagi ng video, paano napagtagumpayan ni Helen ang kaniyang negatibong kaisipan at nagkaroon ng positibong pananaw sa iba?
Paano nakatulong si Helen sa pagkakaisa ng kongregasyon?
Sino talaga ang sinasaktan natin kapag nagbibilang tayo ng pinsala?