KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 4-5
Patuloy Nilang Sinalita ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan
Paano naging kuwalipikado na maging guro ang mga apostol? Bakit sila nakapagsalita nang may katapangan? “Dati silang kasama ni Jesus,” ang Dakilang Guro, at natuto sila mula sa kaniya. (Gaw 4:13) Anong mga aral ang matututuhan natin kay Jesus para maging epektibong mga guro tayo?