PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ang Legalisasyon ng Gawain sa Quebec
Nang litisin si Pablo, umapela siya kay Cesar. Ang paggamit niya ng kaniyang karapatan bilang mamamayang Romano ay magandang halimbawa para sa atin ngayon. Panoorin ang video na Ang Legalisasyon ng Gawain sa Quebec at pansinin kung paano ginamit ng mga kapatid ang probisyon ng batas para ipagtanggol ang mabuting balita sa Quebec. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
Anong hamon ang napaharap sa mga kapatid sa Quebec?
Anong espesyal na tract ang ipinamahagi nila, at ano ang naging resulta?
Ano ang nangyari kay Brother Aimé Boucher?
Ano ang ipinasiya ng Korte Suprema ng Canada sa kaso ni Brother Boucher?
Anong bihirang-gamiting probisyon ang sinamantala ng mga kapatid, at ano ang naging resulta?
Ano ang nangyari nang pahintuin ng mga pulis ang isang pagpupulong dahil sa panunulsol ng mga pari?