Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb19 Hunyo p. 8
  • Gawing Mas Makabuluhan ang Iyong Personal na Pag-aaral

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gawing Mas Makabuluhan ang Iyong Personal na Pag-aaral
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Panatilihing Matibay ang Pananampalataya sa Pamamagitan ng Personal na Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Pagtatamasa ng Kaluguran sa Salita ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Pag-aaral ay Kapaki-pakinabang
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pag-aaral—Kapaki-pakinabang at Kasiya-siya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
mwb19 Hunyo p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gawing Mas Makabuluhan ang Iyong Personal na Pag-aaral

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Sa tulong ng personal na pag-aaral ng Salita ng Diyos, ‘lubusan nating maiintindihan ang lapad at haba at taas at lalim’ ng katotohanan. (Efe 3:18) Tinutulungan din tayo nito na manatiling walang kapintasan at walang dungis sa gitna ng masamang sanlibutan at ‘mahigpit na manghawakan sa salita ng buhay.’ (Fil 2:15, 16) Sa ating personal na pag-aaral ng Salita ng Diyos, makakapili tayo ng materyal na kailangan natin bilang indibidwal. Paano natin masusulit ang panahong ginagamit natin sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya?

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • I-highlight ang mga teksto at gumawa ng nota sa iyong sariling Bibliya, nakaimprenta man o electronic format

  • Habang nagbabasa ng Salita ng Diyos, tanungin ang sarili: ‘Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?’

  • Magsaliksik. Gamit ang mga available na pantulong sa pagsasaliksik, maghanap sa pamamagitan ng paksa o teksto sa Bibliya

  • Bulay-bulayin ang binabasa mo para malaman kung paano mo ito masusunod

  • Gamitin ang natututuhan mo sa iyong pang-araw-araw na buhay.—Luc 6:47, 48

PANOORIN ANG VIDEO NA MANATILING “MAHIGPIT NA NAKAKAPIT”—EPEKTIBONG PERSONAL NA PAG-AARAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano inilarawan ng iba ang personal na pag-aaral?

  • Bakit dapat tayong manalangin bago mag-aral?

  • Paano natin mas mauunawaan ang isang teksto sa Bibliya?

  • Anong klase ng mga marka ang puwede nating ilagay sa ating sariling Bibliya?

  • Bakit napakahalaga ng pagbubulay-bulay kapag nag-aaral ng Salita ng Diyos?

  • Ano ang dapat nating gawin sa natututuhan natin?

Isang sister ang nagpe-personal study; nagha-highlight ang brother sa kaniyang Bibliya; ibinabahagi ng isang sister sa dalawang lalaki ang mga nota niya sa Bibliya; isang brother ang nananalangin

“Mahal na mahal ko ang kautusan mo! Binubulay-bulay ko ito buong araw.”—Aw 119:97

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share