KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | COLOSAS 1-4
Hubarin Ninyo ang Lumang Personalidad, at Isuot Ninyo ang Bago
Gumawa ka ba ng malalaking pagbabago nang maging Saksi ka? Makakatiyak kang natutuwa si Jehova sa mga ginawa mo. (Eze 33:11) Pero kailangan ang patuloy na pagsisikap para hindi bumalik ang lumang personalidad at patuloy na maipakita ang bagong personalidad. Sagutin ang sumusunod na mga tanong para makita kung ano pa ang puwede mong pasulungin:
Naghihinanakit pa rin ba ako sa nakagawa ng masama sa akin?
Mapagpasensiya pa rin ba ako, kahit nagmamadali o pagod?
Kapag sumagi sa isip ko ang imoral na bagay, agad ko ba itong inaalis?
Negatibo ba ako sa mga taong iba ang lahi o bansa?
Nagalit ba ako o nakapagsalita ng di-maganda kamakailan?