PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Makadiyos na Debosyon o Pisikal na Pagsasanay?
Kapaki-pakinabang ba ang pisikal na pagsasanay? Oo, pero mas kapaki-pakinabang ang espirituwal na pagsasanay. (1Ti 4:8) Kaya mahalaga na magkaroon ng balanseng pananaw sa sports ang mga Kristiyano.
PANOORIN ANG WHITEBOARD ANIMATION NA ANG DAPAT MONG MALAMAN TUNGKOL SA SPORTS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
1. Anong mga kasanayan ang matututuhan natin sa sports?
2. Anong tatlong bagay ang makakatulong para malaman kung makakabuti sa atin o hindi ang isang uri ng sports?
3. Paano makakatulong ang Awit 11:5 sa pagpili ng sports na dapat panoorin o laruin?
4. Paano natin masusunod ang Filipos 2:3 at Kawikaan 16:18 sa paraan ng paglalaro natin?
5. Paano makakatulong ang Filipos 1:10 para hindi maubos ang ating panahon sa panonood o paglalaro ng sports?