KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 1 PEDRO 3-5
“Ang Wakas ng Lahat ng Bagay ay Malapit Na”
Malapit nang dumating ang malaking kapighatiang hindi pa kailanman nararanasan ng mundo. Paano tayo makapananatiling malakas sa espirituwal ngayon at sa hinaharap?
Laging manalangin, at gamitin ang iba’t ibang uri ng panalangin
Pasidhiin ang pag-ibig sa mga Kristiyanong kapatid para mapatibay ang kaugnayan sa kanila
Maging mapagpatuloy
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko maipapakita ang masidhing pag-ibig at pagkamapagpatuloy sa mga kapatid, kalahi ko man sila o hindi?’