PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Camera o Intercom
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Dahil sa pagsulong ng teknolohiya at pagdami ng krimen, nagiging karaniwan na ang paggamit ng security camera at intercom sa bahay. Baka hindi tayo komportableng magpatotoo kapag hindi natin nakikita ang kausap natin. Makakatulong ang sumusunod na mga paalala para magkaroon tayo ng kumpiyansa kapag nagpapatotoo sa camera o intercom.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Maging positibo. Marami sa mga may camera o intercom ang handang makipag-usap sa atin
Tandaan na may ilang camera na nagrerekord na bago ka pa mag-doorbell at na baka nakikita at naririnig ka na ng may-bahay paglapit mo pa lang sa pinto
Kapag sumagot ang may-bahay, kausapin siya sa intercom o camera na para bang nasa harap mo lang siya. Ngumiti at kumumpas gaya ng normal mong gagawin. Sabihin sa kaniya ang inihanda mong presentasyon. Kung may camera, huwag ilapit nang husto ang iyong mukha. Kapag hindi sumagot ang may-bahay, huwag mag-iwan ng message
Pagkatapos ng pag-uusap, tandaan na baka nakikita o naririnig ka pa rin ng may-bahay