PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Puwede Mo Bang Ibigay ang Iyong Panahon at Lakas?
Gaya ng inihula ni Isaias, nakikita natin ang malaking pagsulong sa makalupang bahagi ng organisasyon ni Jehova. (Isa 54:2) Kaya kailangan pang magtayo ng mga Kingdom Hall, Assembly Hall, at mga pasilidad ng sangay. Pagkatapos maitayo, kailangang mantinihin ang mga gusaling iyon, at ang iba ay kailangan pa ngang i-renovate paglipas ng panahon. Paano natin maibibigay ang ating panahon at lakas sa ganitong mga gawain?
Puwede tayong tumulong sa paglilinis ng Kingdom Hall kapag iskedyul ng field service group natin
Puwede tayong magboluntaryong magmantini ng Kingdom Hall at tumanggap ng pagsasanay
Puwede tayong mag-fill out ng Local Design/Construction Volunteer Application (DC-50) para makapagboluntaryo tayo kung may proyekto ng pagtatayo at pagmamantini na malapit sa atin
Puwede tayong mag-fill out ng Application for Volunteer Program (A-19) at magboluntaryo nang isang linggo o higit pa sa Bethel o iba pang pasilidad nito na nasa teritoryong sakop ng sangay
PANOORIN ANG VIDEO NA PINAPLANO ANG PAGTATAYO NG ISANG BAGONG PASILIDAD—EXCERPT. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Mula 2014, ano ang naging pagsulong sa paggamit natin ng video?
Para makasabay sa pagdami ng kinakailangang video, anong proyekto ang pinaplano? Kailan ito magsisimula at matatapos?
Paano makakatulong sa proyektong ito ang mga boluntaryo?
Kung gusto nating magboluntaryo sa konstruksiyon sa Ramapo, bakit dapat tayong mag-fill out ng aplikasyon (DC-50) at tumulong sa mga proyekto ng Local Design/Construction na malapit sa atin?
Ano ang patunay na pinapatnubayan ni Jehova ang proyektong ito?
Paano natin masusuportahan ang proyektong ito kahit hindi tayo makapagboluntaryo sa konstruksiyon?