Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Enero p. 3
  • Mga Magulang, Turuan at Protektahan ang Inyong mga Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Magulang, Turuan at Protektahan ang Inyong mga Anak
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Magiging Masaya ang Pamilya Mo?​—Bahagi 2
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Mga Magulang—Ingatan ang Inyong mga Anak!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Ang Ating mga Anak—Isang Pinakamamahal na Mana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Enero p. 3
Sumesenyas ng ‘Huwag!’ ang mga anak habang tinuturuan sila ng mga magulang nila na protektahan ang kanilang sarili.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Magulang, Turuan at Protektahan ang Inyong mga Anak

Iniimpluwensiyahan tayo ng sanlibutan na isiping ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti. (Isa 5:20) Nakakalungkot, ginagawa ng ilan ang kinapopootan ni Jehova, gaya ng homoseksuwalidad. Baka impluwensiyahan ng mga kaeskuwela o ng iba pa ang anak mo na tularan sila. Paano mo maihahanda ang mga anak mo para maharap ang mga sitwasyong gaya nito?

Ituro sa kanila ang mga pamantayan ni Jehova para maprotektahan sila. (Lev 18:3) Ibagay sa edad nila ang mga ituturo mo tungkol sa sinasabi ng Bibliya may kinalaman sa sex. (Deu 6:7) Tanungin ang sarili: ‘Naituro ko na ba sa mga anak ko ang tamang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, ang kahalagahan ng mahinhing pananamit, at na dapat irespeto ng iba ang privacy nila? Alam ba ng mga anak ko kung ano ang gagawin kapag may nagpakita sa kanila ng pornograpya o may ipinapagawa sa kanila na isang bagay na ayaw ni Jehova?’ Makakaiwas sila sa kapahamakan kung patiuna natin silang tuturuan. (Kaw 27:12; Ec 7:12) Sa paggawa nito, ipinapakita mong pinapahalagahan mo ang iyong mana mula kay Jehova.​—Aw 127:3.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGTAYO NG ISANG SAMBAHAYANG MAKAPAGBABATA—INGATAN ANG IYONG MGA ANAK MULA SA MASAMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena sa video na ‘Magtayo ng Isang Sambahayang Makapagbabata—Ingatan ang Iyong mga Anak Mula sa Masama.’ Pinapanood ng mag-ina ang video na ‘Protektahan ang Inyong Anak.’

    Bakit nag-aalangan ang ilang magulang na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa sex?

  • Eksena sa video na ‘Magtayo ng Isang Sambahayang Makapagbabata—Ingatan ang Iyong mga Anak Mula sa Masama.’ Ipinapakipag-usap ng mga magulang sa kanilang dalawang anak ang ‘Matuto Mula sa Dakilang Guro’ at iba pang mga publikasyon.

    Bakit dapat sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak “sa disiplina at patnubay ni Jehova”?​—Efe 6:4

  • Eksena sa video na ‘Magtayo ng Isang Sambahayang Makapagbabata—Ingatan ang Iyong mga Anak Mula sa Masama.’ Magkakasamang binabasa at pinag-uusapan ng mga magulang na taga-Africa at ng mga anak nila ang mga teksto sa Bibliya.

    Ang kaalaman ay proteksiyon

    Ano ang inilaan ng organisasyon ni Jehova para maturuan ng mga magulang ang mga anak nila tungkol sa sex?​—w19.05 12, kahon

  • Bakit mo dapat laging kausapin ang iyong mga anak bago pa magkaroon ng mga problema?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share