Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Enero p. 7
  • Taunang Kombensiyon—Pagkakataon Para Magpakita ng Pag-ibig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Taunang Kombensiyon—Pagkakataon Para Magpakita ng Pag-ibig
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Tinitipon ni Jehova ang Kaniyang Maligayang Bayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Pagsasayá at Pagpupuri sa Diyos sa mga Asamblea
    Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig
  • Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Magdaraos ng Internasyonal na mga Kombensiyon ang mga Saksi ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Enero p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Taunang Kombensiyon​—Pagkakataon Para Magpakita ng Pag-ibig

Mga delegadong may iba’t ibang kultura na nagpapa-picture sa internasyonal na kombensiyon.

Bakit nag-e-enjoy tayo sa mga taunang kombensiyon natin? Gaya sa Israel noon, ang mga kombensiyon ngayon ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong sambahin si Jehova kasama ang daan-daan o libo-libong kapatid. Tumatanggap tayo doon ng saganang espirituwal na pagkain. Mahalaga rin sa atin na makasama ang ating mga kaibigan at kapamilya. Kaya gustong-gusto nating madaluhan ang buong tatlong-araw na kombensiyon.

Kapag nagkakasama-sama tayo, dapat nating isipin hindi lang ang magiging pakinabang natin kundi pati na kung paano tayo makakapagpakita ng pag-ibig. (Gal 6:10; Heb 10:24, 25) Kapag ipinagbubukas natin ng pinto ang ating mga kapatid o hindi tayo nagrereserba ng upuan nang sobra sa kailangan natin, ipinapakita nating iniisip natin ang kapakanan ng iba. (Fil 2:3, 4) Magandang pagkakataon din ang mga kombensiyon para magkaroon ng bagong mga kaibigan. Bago at pagkatapos ng programa at kapag lunch break, sinisikap nating makipagkilala sa iba. (2Co 6:13) At kapag naging kaibigan natin sila, puwede itong maging panghabambuhay! Higit sa lahat, kapag nakikita ng iba kung paano tayo nagpapakita ng tunay na pag-ibig, baka gustuhin din nilang paglingkuran si Jehova.​—Ju 13:35.

PANOORIN ANG VIDEO NA “ANG PAG-IBIG AY HINDI KAILANMAN NABIBIGO”! NA MGA INTERNASYONAL NA KOMBENSIYON. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena sa ‘‘Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo’! na Internasyonal na Kombensiyon.’ Niyayakap at wine-welcome ng mga kapatid ang mga delegado sa internasyonal na kombensiyon.

    Paano pinakitaan ng pag-ibig ang mga delegado ng 2019 na mga internasyonal na kombensiyon?

  • Eksena sa ‘‘Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo’! na Internasyonal na Kombensiyon.’ Nagpapa-picture ang mga kapatid kasama ang mga delegado.

    Bakit kahanga-hanga ang pagkakaisa at pag-ibig sa bayan ni Jehova?

  • Eksena sa ‘‘Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo’! na Internasyonal na Kombensiyon.’ Isang grupo ng mga kapatid na Korean ang may hawak na welcome sign at kumakaway sa mga dumarating sa kombensiyon.

    Anong mga bagay tungkol sa Kristiyanong pag-ibig ang idiniin ng mga miyembro ng Lupong Tagapamahala?

  • Eksena sa ‘‘Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo’! na Internasyonal na Kombensiyon.’ Masayang batang babae na hawak ang ‘Bagong Sanlibutang Salin’ na katatanggap lang niya.

    Paano mo maipapakita ang pag-ibig sa panahon ng kombensiyon?

    Paano nagtagumpay ang Kristiyanong pag-ibig sa Germany at South Korea?

  • Ano ang dapat na maging determinasyon natin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share