‘Ang pag-ibig ng Kristo ang nagpapakilos sa atin.’—2Co 5:14
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mag-o-auxiliary Pioneer Ka Ba sa Marso o Abril?
Gusto mo bang higit na mapaglingkuran si Jehova sa panahon ng Memoryal? (2Co 5:14, 15) Puwedeng pumili ang mga auxiliary pioneer sa 30 o 50 oras na kahilingan sa mga buwan ng Marso at Abril. Kung puwede kang makibahagi sa pantanging gawaing ito, magpasa ng aplikasyon sa Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon. Ang pangalan ng mga naaprubahang mag-auxiliary pioneer sa mga buwang iyon ay ipapatalastas sa kongregasyon. Sa ganitong paraan, masusuportahan ng kongregasyon ang mga payunir sa ministeryo. Samantalahin sana natin ang panahon ng Memoryal para pasulungin ang ating kakayahan sa pangangaral at patibayin ang isa’t isa.—1Te 5:11.