Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Marso p. 5
  • Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang mga Iimbitahan Ko?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagsisikap na Ipagdiwang ang Memoryal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • “Patuloy Ninyong Gawin Ito Bilang Pag-alaala sa Akin”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • “Patuloy Ninyong Gawin Ito”—Ipagdiriwang ang Memoryal sa Abril 5
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Marso p. 5
Sina Pedro at Juan habang inilalagay sa mesa ang tinapay at mga kopa.

Sina Pedro at Juan na inihahanda ang silid sa itaas para sa Paskuwa noong 33 C.E.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?

Napakahalaga ng huling Paskuwa ni Jesus. Dahil nalalapit na ang kamatayan niya, pinlano niyang kainin ang hapunan ng Paskuwa kasama ang kaniyang mga apostol at pasimulan ang bagong taunang pag-alaala—ang Hapunan ng Panginoon. Kaya inutusan niya sina Pedro at Juan na ihanda ang silid. (Luc 22:7-13; tingnan ang larawan sa pabalat.) Ipinapaalala nito na dapat tayong maghanda para sa Memoryal sa Marso 27. Kaya malamang na gumawa na ng kaayusan ang mga kongregasyon para sa tagapagsalita, mga emblema, at iba pa. Pero paano makakapaghanda ang bawat isa sa atin para sa Memoryal?

Ihanda ang iyong puso. Basahin at pag-isipan ang nakaiskedyul na pagbasa sa Bibliya sa Memoryal na nasa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Sa apendise B12 ng nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, makikita ang mas detalyadong iskedyul. (Tingnan din ang Abril 2020 ng Workbook sa Buhay at Ministeryo.) Kapag tatalakayin sa inyong pampamilyang pagsamba ang kahalagahan ng pantubos, puwede kayong makahanap ng impormasyon sa Watch Tower Publications Index o sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova.

Pamilyang nag-uusap tungkol sa Memoryal sa panahon ng kanilang pampamilyang pagsamba.

Mag-imbita. Lubusang suportahan ang kampanya ng pag-iimbita. Isipin ang mga puwede mong imbitahan, gaya ng mga interesadong binabalikan mo, dating Bible study, kakilala, at kamag-anak. Dapat tiyakin ng mga elder na maimbitahan ang mga inactive. Kapag hindi sila nakatira sa lugar ninyo, makikita mo ang lokasyon at oras ng Memoryal sa lugar nila kung iki-click mo ang tab na TUNGKOL SA AMIN na nasa itaas ng home page ng jw.org/tl at saka piliin ang “Memoryal.”

Dalawang elder na dumalaw sa inactive na brother at inimbitahan ito sa Memoryal.

Ano pa ang puwede nating gawin bilang paghahanda?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share