MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Gumamit ng mga Tanong
Gusto ni Jehova, ang “maligayang Diyos,” na masiyahan tayo sa ministeryo. (1Ti 1:11) Habang pinapasulong natin ang ating kakayahan, mas nagiging masaya tayo. Ang paggamit ng mga tanong ay nakakakuha ng interes at nakakapagpasimula ng pag-uusap. Kapag nagtatanong tayo, napapasigla ang mga tao na mag-isip at mangatuwiran. (Mat 22:41-45) Sa pamamagitan ng pagtatanong at pakikinig, para bang sinasabi natin, ‘Mahalaga ka sa akin.’ (San 1:19) Batay sa sagot ng kausap, malalaman natin kung paano maipagpapatuloy ang pag-uusap.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—PASULUNGIN ANG IYONG KAKAYAHAN—GUMAMIT NG MGA TANONG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong magagandang katangian ang ipinakita ni Joy?
Paano gumamit si Neeta ng mga tanong para maipakita ang personal na interes?
Paano gumamit si Neeta ng mga tanong para mas maging interesado si Joy sa mabuting balita?
Paano gumamit si Neeta ng mga tanong para tulungan si Joy na mag-isip at mangatuwiran?