MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Tanggapin ang Tulong ni Jehova sa Pamamagitan ng Panalangin
Si Jehova ang nagpapalago ng binhi ng katotohanan sa puso ng isang tao. (1Co 3:6-9) Kaya para magtagumpay sa ministeryo, dapat tayong magtiwalang tutulungan tayo ni Jehova, pati na ang Bible study natin.
Hingin ang tulong ni Jehova para makayanan ng Bible study mo ang panggigipit at mga hamon. (Fil 1:9, 10) Maging espesipiko. Humingi ng banal na espiritu na gagabay sa pag-iisip at paggawi mo. (Luc 11:13) Turuan ang Bible study mo na manalangin, at pasiglahin siyang gawin iyon. Manalangin kasama ng Bible study mo at ipanalangin siya na binabanggit ang pangalan niya.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—TANGGAPIN ANG TULONG NI JEHOVA—PANALANGIN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang naging problema ni Neeta sa pag-i-study kay Joy?
Paano nakatulong kay Neeta ang 1 Corinto 3:6?
Paano nalutas ang problema ni Neeta?