Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Mayo p. 7
  • Disiplina—Katibayan ng Pag-ibig ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Disiplina—Katibayan ng Pag-ibig ni Jehova
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Disiplina
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Matatanggap Mo Ba ang Disiplina?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Disiplina—Katunayan ng Pag-ibig ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Mayo p. 7
Umiiyak ang mga magulang sa may pinto habang nakatingin sa kanilang di-nagsisising anak na lalaking adulto na hihiwalay na sa kanila.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Disiplina—Katibayan ng Pag-ibig ni Jehova

Karaniwan nang nauugnay ang disiplina sa pagtuturo, pero kasama rin dito ang pagtutuwid at pagpaparusa. Dinidisiplina tayo ni Jehova para maging katanggap-tanggap sa kaniya ang pagsamba natin. (Ro 12:1; Heb 12:10, 11) Kung minsan, masakit ang madisiplina, pero tinutulungan tayo nito na maging matuwid at nagdudulot ito ng pagpapala. (Kaw 10:7) Ano ang dapat tandaan ng nagbibigay at tumatanggap ng disiplina?

Nagbibigay. Sinisikap ng mga elder, magulang, at iba pa na magbigay ng disiplina sa mabait at maibiging paraan gaya ng ginagawa ni Jehova. (Jer 46:28) Kahit ang matinding disiplina ay dapat ibigay ayon sa pangangailangan at udyok ng pag-ibig.​—Tit 1:13.

Tumatanggap. Huwag tanggihan ang anumang disiplinang ibinigay sa atin; pakinggan natin agad ito. (Kaw 3:11, 12) Dahil hindi tayo perpekto, kailangan nating lahat ng disiplina. May iba’t ibang uri ito. Puwede itong manggaling sa mga nababasa natin sa Bibliya o sa mga naririnig natin sa mga pulong. May ilan naman na kailangang disiplinahin ng hudisyal na komite. Kung papakinggan natin ang disiplina, mapapabuti tayo at magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan.​—Kaw 10:17.

PANOORIN ANG VIDEO NA “DINIDISIPLINA NI JEHOVA ANG MGA MAHAL NIYA.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena sa video na ‘Dinidisiplina ni Jehova ang mga Mahal Niya.’ Noong bata pa si Canon at nangangaral kasama ng mga magulang niya.

    Anong buhay mayroon si Canon sa simula, at paano iyon nagbago?

  • Eksena sa video na ‘Dinidisiplina ni Jehova ang mga Mahal Niya.’ Noong adulto si Canon at nakikipag-usap sa mga elder.

    Anong maibiging disiplina ang tinanggap niya mula kay Jehova?

  • Eksena sa video na ‘Dinidisiplina ni Jehova ang mga Mahal Niya.’ Noong nagkaedad na si Canon at nakikipag-usap sa mga kabataan sa pulong.

    Mahalin ang disiplina ni Jehova

    Ano ang matututuhan natin sa karanasan niya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share