Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Setyembre p. 15
  • Ipangaral ang Mabuting Balita na Malapit Na ang Isang Mas Magandang Mundo!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipangaral ang Mabuting Balita na Malapit Na ang Isang Mas Magandang Mundo!
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Espesyal na Kampanya sa Nobyembre Para Ipangaral ang Kaharian ng Diyos
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Espesyal na Kampanya sa Setyembre Para Ipaalám ang Tungkol sa Kaharian ng Diyos!
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Malawakang Ipamahagi ang Kingdom News Blg. 35
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Setyembre p. 15
Sa Paraiso, isang mag-asawa ang kumakaway sa mga kaibigan nila.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ipangaral ang Mabuting Balita na Malapit Na ang Isang Mas Magandang Mundo!

Sa Nobyembre, magkakaroon tayo ng espesyal na kampanya para ipangaral ang mabuting balita na malapit na ang isang mas magandang mundo. (Aw 37:10, 11; Apo 21:3-5) Ayusin ang iskedyul mo para lubusan kang makasuporta sa kampanyang ito. Kung mag-o-auxiliary pioneer ka sa buwang ito, puwede kang pumili kung 30 o 50 oras ang aabutin mo.

Sikaping makapagbahagi ng teksto tungkol sa bagong sanlibutan sa pinakamaraming tao hangga’t posible. Pumili ng tekstong magugustuhan ng mga tao sa inyong teritoryo. Kung nagpakita ng interes ang kausap mo sa unang pag-uusap, bigyan siya ng kopya ng edisyong pampubliko ng Bantayan Blg. 2 2021. Pagkatapos, balikan siya agad para hindi mawala ang interes niya at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. Isang pribilehiyo na ipangaral sa iba ang “mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti”!—Isa 52:7.

Para makita ang isang paraan kung paano ipapangaral ang mensahe, panoorin ang video na Unang Pag-uusap: Mabuting Balita​—Aw 37:10, 11

PANOORIN ANG VIDEO NG ORIGINAL SONG NA MALAPIT NA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong magandang kinabukasan ang iniisip ng batang babae?

  • Ano ang pinananabikan mo sa bagong sanlibutan?

  • Paano makakatulong sa iyo ang pagbubulay-bulay sa pag-asang iyan para lubusan mong masuportahan ang kampanya sa Nobyembre?​—Luc 6:45

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share