MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Turuan ang mga Bible Study na Magkaroon ng Personal na Pag-aaral
Para masapatan ang espirituwal na pangangailangan ng mga Bible study at sumulong sa pagkamaygulang, hindi sapat ang mga katotohanang itinuturo natin sa kanila. (Mat 5:3; Heb 5:12–6:2) Kailangan din nilang magkaroon ng personal na pag-aaral.
Sa simula pa lang, ipakita na sa Bible study mo kung paano maghahanda para sa bawat pag-aaral ninyo, at pasiglahin siyang gawin iyon. (mwb18.03 6) Himukin siyang manalangin bago siya mag-personal study. Tulungan siyang mag-research gamit ang ating website at iba pang tool. Tulungan siyang maging updated sa jw.org at sa JW Broadcasting®. Unti-unti, turuan siyang basahin ang Bibliya araw-araw, maghanda para sa mga pulong, at mag-research ng sagot sa mga tanong niya. Tulungan siyang bulay-bulayin ang mga natututuhan niya.
PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA MAGKAROON NG PERSONAL NA PAG-AARAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano itinuro ni Neeta kay Joy na ang pag-aaral ay hindi lang basta paghahanap ng mga sagot?
Ano ang nakakumbinsi kay Joy na tama ang pamantayan ni Jehova tungkol sa seksuwal na imoralidad?
Turuan ang Bible study mo kung paano mag-aaral at kung paano iyon patatagusin sa puso niya
Ano ang natutuhan ni Joy tungkol sa pagbubulay-bulay?