Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb22 Marso p. 9
  • Sino ang mga Kaibigan Mo Online?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang mga Kaibigan Mo Online?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Puwede ba Akong Makipagkaibigan sa Pamamagitan ng Internet?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Social Networking—Iwasan ang mga Panganib
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Social Networking?—Bahagi 2
    Gumising!—2011
  • Mga Bata at Internet—Ang Dapat Malaman ng mga Magulang
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
mwb22 Marso p. 9

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sino ang mga Kaibigan Mo Online?

Sinasabing ang kaibigan ay “isa na malapít sa isa pang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.” Halimbawa, naging matalik na magkaibigan sina Jonatan at David matapos patayin ni David si Goliat. (1Sa 18:1) Nagustuhan nila ang mga katangian ng isa’t isa. Kaya mahalaga na talagang kilala mo ang isang tao para maging matibay ang pagkakaibigan ninyo. Kailangan ng panahon at pagsisikap para magawa iyan. Pero hindi ganiyan sa social media, kasi sa isang click lang, puwede ka nang magkaroon ng “friend.” Puwedeng planuhin ng mga tao ang sasabihin nila o ipakita lang kung ano ang gusto nilang malaman ng iba tungkol sa kanila, kaya maitatago nila kung sino talaga sila. Kaya piliin mong mabuti kung sino ang magiging kaibigan mo online. Huwag kang matakot na i-reject ang mga friend request ng mga hindi mo naman talaga kilala dahil lang sa baka masaktan mo ang damdamin nila. Hindi gumagamit ang ilan ng social media para maiwasan nila ang panganib. Pero kung may social media account ka, ano ang dapat mong tandaan?

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MATALINO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORK. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena mula sa video na “Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network.” Nagulat ang isang batang babae nang makita niya ang mga picture niya na ipinakita sa TV.

    Ano ang dapat mong isipin bago ka mag-comment at mag-post ng mga picture?

  • Eksena mula sa video na “Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network.” Isang timbangan na may magandang picture ng isang babae sa isang side at patong-patong na mga barya sa isa pang side. Mas mabigat ang picture kaysa sa mga barya.

    Bakit dapat kang mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan online?

  • Eksena mula sa video na ‘Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network.’ Dalawang sigang lalaki na ipinapakita sa isang bata ang isang post sa social media; tinatakpan ng bata ang mga mata niya.

    Bakit dapat mong limitahan ang oras ng paggamit mo sa social media?​—Efe 5:15, 16

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share