Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Hunyo p. 7
  • Social Networking—Iwasan ang mga Panganib

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Social Networking—Iwasan ang mga Panganib
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang mga Kaibigan Mo Online?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Bakit Kaya Gustung-gusto ng Marami?
    Gumising!—2012
  • Apat na Mahahalagang Tanong Tungkol sa Social Networking
    Gumising!—2012
  • Gaano Na Kalaki ang Epekto sa Akin ng Social Media?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Hunyo p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Social Networking—Iwasan ang mga Panganib

Tumanggi si Jesus na gawing tinapay ang bato

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Gaya ng ibang bagay, ang mga social network ay puwedeng maging kapaki-pakinabang o mapanganib. May mga Kristiyanong nagpasiyang huwag gumamit ng social network. Ginagamit naman ito ng ibang Kristiyano para makipag-ugnayan sa mga kapamilya at kaibigan. Pero gusto ng Diyablo na gamitin natin ang mga social network sa di-matalinong paraan, na makasisira sa ating reputasyon at espirituwalidad. Tulad ni Jesus, magagamit natin ang mga simulain sa Salita ng Diyos para matukoy ang mga panganib at maiwasan ang mga ito.—Luc 4:4, 8, 12.

MGA PANGANIB NA DAPAT IWASAN:

  • Pagbababad sa social media. Kung uubusin natin ang oras natin sa mga social network o social media, mawawalan tayo ng panahon para sa espirituwal na mga gawain

    Mga simulain sa Bibliya: Efe 5:15, 16; Fil 1:10

  • Panonood ng kuwestiyunableng materyal. Ang pagtingin sa malalaswang larawan ay puwedeng mauwi sa adiksiyon sa pornograpya o sa imoralidad. Ang pagbabasa ng materyal o mga blog ng mga apostata ay makasisira sa pananampalataya ng isa

    Mga simulain sa Bibliya: Mat 5:28; Fil 4:8

  • Pagpo-post ng di-angkop na mga comment o picture. Dahil mapandaya ang puso, baka matukso ang isa na mag-post ng di-angkop na mga comment o picture sa isang social network. Pero makasisira ito sa reputasyon ng isa o maaaring ikatisod ng iba sa espirituwal

    Mga simulain sa Bibliya: Ro 14:13; Efe 4:29

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MATALINO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORK. PAGKATAPOS, REPASUHIN KUNG PAANO MAIIWASAN ANG MGA SITWASYONG ITO:

Alam ng magnanakaw na may access sa social media na nakabakasyon ang may-ari ng bahay
Nakita ng isang inaaplayang employer ang di-angkop na mga post sa social network
Pagkahantad sa di-magagandang pananalita sa isang social network
Hirap bumangon sa umaga ang isang nagpupuyat sa paggamit ng social media
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share