Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/12 p. 4-5
  • Bakit Kaya Gustung-gusto ng Marami?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kaya Gustung-gusto ng Marami?
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Social Networking?—Bahagi 1
    Gumising!—2011
  • Apat na Mahahalagang Tanong Tungkol sa Social Networking
    Gumising!—2012
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Social Networking?—Bahagi 2
    Gumising!—2011
  • Social Networking—Iwasan ang mga Panganib
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Gumising!—2012
g 2/12 p. 4-5

Bakit Kaya Gustung-gusto ng Marami?

ALIN sa mga sumusunod ang ginamit mong paraan ng pakikipag-usap nitong nakaraang buwan?

Harapang pag-uusap

Sulat-kamay na liham o card

Telepono

E-mail

Text message

Instant message

Video chat

Social network

Sa ngayon, napakaraming mapagpipiliang paraan ng pakikipag-usap, at ang bawat isa sa mga ito ay may bentaha at disbentaha. Pag-isipan ang ilang halimbawa:

HARAPANG PAG-UUSAP

Bentaha: May kasamang mga detalye gaya ng ekspresyon ng mukha, tono ng boses, at galaw ng katawan.

Disbentaha: Kailangang parehong presente ang nag-uusap.

SULAT-KAMAY NA LIHAM O CARD

Bentaha: Naibabagay sa padadalhan at nakaka-touch.

Disbentaha: Kailangan ng panahon para magsulat at mga ilang araw pa bago matanggap ng pinadalhan.

E-MAIL

Bentaha: Mabilis gawin at ipadala.

Disbentaha: Karaniwan nang kulang sa emosyon​—o puwedeng iba ang maging pakahulugan ng babasa.

At heto ngayon ang social networking, na ayon sa ilan ay siyang pinakamagandang paraan ng komunikasyon. May daan-daang social network sa ngayon, at ang pinakapopular ay ang Facebook, na mga 800 milyon ang miyembro! “Kung ang Facebook ay isang bansa,” ang sabi ng magasing Time, “ito ang ikatlo sa pinakamalaki, kasunod ng China at India.” Ano ba ang mga social network, at bakit napakapopular ng mga ito?

Ang isang social network ay Web site kung saan ang mga may account ay puwedeng mag-share ng impormasyon sa pinili nilang grupo ng mga kaibigan. “Magandang paraan ito para makipag-ugnayan sa mga kakilala,” ang sabi ng 21-anyos na si Jean. “Sa social network, madali mo ring maipakikita sa iba ang mga picture mo.”

Bakit hindi ka na lang sumulat ng liham? ‘Umuubos ng oras iyan,’ baka sabihin ng ilan​—at magastos kung magpapa-develop ka pa ng mga litrato. Bakit hindi ka na lang tumawag sa telepono? Umuubos din ng oras iyan dahil isa-isa mo silang tatawagan, at ang ilan ay wala sa bahay o walang panahon kapag may panahon kang makipag-usap. Kung e-mail kaya? “Wala nang sumasagot sa e-mail ngayon,” ang reklamo ng 20-anyos na si Danielle, “at kung sumagot man sila, aabutin iyon nang ilang linggo. Sa social network, nagpo-post lang ako ng message tungkol sa ginagawa ko, at ang mga kaibigan ko naman ay nagpo-post din ng tungkol sa maghapon nila. Naa-update na kaming lahat basta mag-log on lang kami. Ang dali-dali!”

May praktikal na pakinabang din naman ang social networking. Halimbawa, kapag may kalamidad​—gaya ng lindol at tsunami na nangyari sa Japan noong Marso 11, 2011​—marami ang tumingin sa mga social network para alamin ang kalagayan ng mga mahal nila sa buhay.

Kuning halimbawa ang karanasan ni Benjamin na taga-Estados Unidos. “Putol ang mga linya ng telepono pagkatapos ng tsunami sa Japan,” ang sabi niya. “Sinabi ng kakilala ko na nag-e-mail siya sa kaibigan niya sa Tokyo na kaibigan ko rin, pero wala pang sagot. Noon mismo, kinuha ko ang cellphone ko at nag-Internet para tingnan ang social network page ng kaibigan namin. Doon, nabasa ko agad ang message na ipinost niya na nagsasabing okey naman siya at na magpo-post siya ng higit pang detalye sa susunod.”

Sinabi pa ni Benjamin: “Para masabihan ang mga kaibigan ko na nakakakilala rin sa kaniya pero walang account sa social network, kinailangan ko pa silang padalhan ng e-mail isa-isa. Pero panahon din ang kailangan para mahanap ang mga e-mail address nila at mapadalhan ng e-mail ang bawat isa. Sumagot ang ilan pagkalipas ng ilang araw. May isa na inabot nang dalawang linggo bago nakasagot! Marami silang natatanggap na e-mail kaya hindi sila agad makasagot. Maraming oras sana ang matitipid kung may account sila sa social network. Ilang minuto lang, maa-update na ang lahat!”

Maliwanag na may ilang bentaha sa social networking. Pero may mga panganib din ba? Kung oo, ano ang mga ito, at paano mo ito maiiwasan?

[Kahon/Mga larawan sa pahina 5]

KUNG PAANO ITO GINAGAMIT

1. Mag-post ka ng message (status update) sa iyong page.

2. Matatanggap ng lahat ng nasa ‘friends list’ mo ang message mo kapag nag-log on sila sa kanilang page​—at matatanggap mo ang kanilang mga message kapag nag-log on ka sa page mo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share