Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb23 Hulyo p. 3
  • “Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita”
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Ipinagsasanggalang ang Mabuting Balita sa Legal na Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Magtiwala kay Jehova Kapag Gumagawa ng mga Desisyon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Saksi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
mwb23 Hulyo p. 3
Collage: 1. Sina Gathie at Marie Barnett. 2. Sina Brother Kokkinakis na nasa European Court of Human Rights. 3. Mga Saksi ni Jehova na nasa Rostov Regional Court sa Russia. 4. Mga kapatid na nasa labas ng Constitutional Court of South Korea.

Kokkinakis v. Greece: Droit réservé

Paikot mula sa itaas sa kaliwa: West Virginia State Board of Education v. Barnette; Kokkinakis v. Greece; Taganrog LRO and Others v. Russia; Cha and Others v. South Korea

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita”

Nang tangkain ng mga kaaway na pahintuin ang muling pagtatayo ng templo, gumawa ng paraan ang mga Israelita para legal na maipagpatuloy ang pagtatayo. (Ezr 5:11-16) Nagsisikap din ang mga Kristiyano sa ngayon na ipagtanggol at legal na maitatag ang mabuting balita. (Fil 1:7) Dahil diyan, bumuo ng Legal Department sa pandaigdig na punong-tanggapan noong 1936. Sa ngayon, inoorganisa ng World Headquarters Legal Department ang pagtatanggol sa gawaing pang-Kaharian sa buong mundo. Paano natulungan ng department na ito ang bayan ng Diyos?

PANOORIN ANG VIDEO NA TOUR SA LEGAL DEPARTMENT SA PANDAIGDIG NA PUNONG-TANGGAPAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa anong legal na mga usapin napaharap ang mga Saksi ni Jehova?

  • Anong mga kaso ang naipanalo natin? Magbigay ng halimbawa

  • Ano ang puwedeng gawin ng bawat isa sa atin para ‘maipagtanggol at legal na maitatag’ ang mabuting balita?

  • Saan sa website natin makikita ang legal na mga usaping may kaugnayan sa bayan ng Diyos at ang listahan ng mga Saksi ni Jehova na nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya?

Kung nakikibahagi ka sa ministeryo at sabihin sa iyo ng mga awtoridad na lumalabag ka sa batas, huwag makipagkatuwiranan para ipagtanggol ang karapatan mo. Sa halip, sumunod agad at magpakita ng paggalang. Kung isang pulis ang nagbawal sa iyo na mangaral, mataktikang alamin ang badge number niya at presinto, kung posible. Pagkatapos, ipaalam agad ito sa mga elder, at sila naman ang kokontak sa tanggapang pansangay para humingi ng tulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share