Tanong
◼ Ano ang dapat mong gawin kapag inutusan kang tumigil sa pangangaral?
May mga pagkakataon na nilapitan ng pulis ang mga mamamahayag na nangangaral, sinabihang labag sa batas ang ginagawa nila, at inutusang tumigil. Kung mangyari ito, maging magalang at umalis na lamang agad sa teritoryo. (Mat. 5:41; Fil. 4:5) Hindi mo na kailangang magpaliwanag tungkol sa ating mga legal na karapatan. Kung posible, mataktikang alamin ang numero ng tsapa ng pulis at kung saang presinto siya nakadestino. Pagkatapos, ipaalam agad sa mga elder ang nangyari, at sila naman ang makikipag-ugnayan sa tanggapang pansangay. Ganito rin ang dapat gawin kapag pinaalis tayo ng katiwala ng isang apartment o gusali habang nangangaral doon. Maiiwasan ang problema kung magiging mahinahon at magalang tayo sa pakikitungo sa mga nasa awtoridad.—Kaw. 15:1; Roma 12:18.